-- Advertisements --
Naniniwala ang Department of Agriculture na tuluyan ng bababa ang presyo ng bigas sa mga darating na mga araw.
Ayon kay DA Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa , ito ay dahil sa mararamdaman na ang binawasang taripa sa mga imported na bigas.
Ilan din sa mga dahilan ay ang pagluwag ng India ng kanilang rice exports at ang patuloy na panahon ng anihan sa bansa.
Lahat aniya ng mga nabanggit na dahilan ay siyang magdadala ng magandang epekto sa merkado.
Una ng sinabi ng DA na ang pagbabawas ng taripa ay makakabawas ng presyo ng mga bigas.
Kasama rin na magpapababa ng presyo ay ang bagong pirmang batas na Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.