Nagpatupad ng temporary import ban ang Deartment of Agriculture sa mga importation ng mga baka mula sa Japan dahil sa outbreak ng Lumpy Skin Disease (LSD).
Sa ilalim ng memorandum order no. 57 ay pansamantalang itinigil muna ang pagaangkat ng mga produktong baka mula sa Japan dahil sa naturang sakit.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang temporary ban ay para maiwasan na magkaroon din ng sakit ang mga baka sa bansa at protektahan ang populasyon ng mga ito kontra LSD.
Ang LSD kasi ay isang uri ng sakit ma nauumpisa sa mga balat ng baka na mistulang mga matutubig na bukol na kalaunan ay nagiging dahilan ng pgkamatay ng mga baka.
Naireport naman agad ng mga otoridad ng Japan ang mga insidente ng naturang sakit sa World Organization for Animal Health at agad na natukoy ang mga lugar ng Fukuoka at Maebaru bilang mga pinakaapektadong lugar nito.
Sa kabila nito ay may mga produkto naman na hindi kasama sa ban basta ito ay dumaan sa isang masusing proseso ng Philippine import and health standards.
Kabilang dito ang mga skeletal muscle meat, casings, collagen, mantika, blood meal at flour, buto ng baka, at mga pasteurized na gatas.
Patuloy naman ang ginagawang pagiingt ng ahensya para mabantayang mabuti ang livestock industry sa bansa para sa mga posibleng banta ng LSD.