Nadismaya si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga naging patutsda ni Vice President Sara Duterte kung saan kinwestiyon nito ang kalidad ng bigas na naipoproduce ng National Food Authority (NFA) na balak ibenta sa presyong P20/kilo.
Ani Laurel, nasaktan ang kanilang buong departamento dahil sa mga pahayag ng Bise Presidente na hindi para sa pangkonsumo ng isang tao ang kalidad ng bigas na meron ang DA at para sa hayop umano ang mga ito.
Binigyang diin ng kalihim ang dedikasyon na meron ang kanilang departamento para lamang masiguro na ang kalidad ng mga bigas na kanilang ibebenta sa publiko ay palaging bago at handa pangkonsumo.
Sa kabila ng mga naging pahayag ng Pangalawang Pangulo, tiniyak ng kalihim na mananatili silang committed sa pagdedeliver ng mga kalidad na bigas para sa mga mamamayang Pilipino at sila na mismo ang magtitiyak na ang mga bigas ay ligtas para sa human consumption.
Samantala, panawagan naman ni Tiu Laurel kay VP Sara, isantabi sana nito ang mga political differences at sa halip ay makiisa sa programa ng kanilang departamento para sa maayos na pagreresolba ng mga arw-araw na problemang kinakaharap ng mga ordinaryong mamamayan.