Nilinaw ng Department of Agriculture sa publiko na papahintulutan pa rin ang mga benepisyaryo ng ₱29 Bigas Program na makabili ng B=bigas sa ilalim ng ilulunsad na Rice-For-All Program ng ahensya.
Ito ang ginawang pagtitiyak ng ahensya kasunod ng mga hakahakang pagbawala na ang mga benepisyaryo na ng 29 Bigas Program ng panibagong programa ng DA.
Ayon sa ahensya, walang pipiliing sektor na mabibigyan o mapapagbilhan ng murang bigas.
Paliwanag ng DA, sa ilalim ng Rice-For-All Program na ipatutupad nito, mabibili ng publiko ang abot kayang presyo ng bigas na papalo lamang sa ₱45 hanggang ₱48 kada kilo.
Aabot naman sa 25 kilos kada pamilya ang magiging limit sa Rice-For-All Program habang 10 kilos sa ₱29 Program.
Una nga rito ay inanunsyo ni DA Asec. Arnel de Mesa na plano nilang ipatupad ang nasabing programa sa loob ng linggong ito.