-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na hindi nagkulang ang kagawaran sa mga hakbang at programa na magbibigay tulong sa mga magsasakang apektado ngayon ng El Niño.

Sa isang panayam sinabi ni DA Field Program Operational Planning chief Christopher Morales na Nobyembre pa lang noong nakaraang taon nang ilatag ng Agriculture department ang pagbuo sa task force na magbabantay at tututok sa sitwasyon ng mga lugar na maaapektuhan ng tagtuyot.

Sa kabila nito, aminado ang opisyal na aabot sa P100-milyong halaga ng agricultural products gaya ng palay at mais ang inaasahan nilang malulugi ngayon El Niño season.

Sa ngayon patuloy umano ang monitoring ng DA sa walong lalawigan na labis na apektado ng tagtuyot.

Kabilang sa mga ito ang probinsya ng: Cotabato, Occidental Mindoro, buong Zamboanga peninsula, Maguindanao, Misamis Occidental, at Davao del Sur.