-- Advertisements --
Nais pag-aralan ng Department of Agriculture o DA ang pabibigay ng feeds para sa livestock industry ng bansa.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristina Evangelista, na kung nagbibigay ng inputs at farm machineries sa rice farmers at sa iba pang mga pananim ay hindi malabong magbigay din ng patuka o feeds sa livestock industry sa bansa tulad ng manok at baboy na siyang in-demand ngayon sa mga pamilihan.
Dagdag pa ni Evangelista, na kung sakaling maisakatuparan ito ay malaki ang maitutulong nito sa poultry at hog raisers dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng feed sa merkado.