-- Advertisements --

Nilalayon ng Department of Agriculture (DA) na pataasin ang produktibidad, babaan ang mga gastos sa pagkain, tiyakin ang seguridad sa pagkain, at gawing bankable investment alternative ang pagsasaka at pangisdaan sa loob ng tatlong taon.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang DA ay mamumuhunan nang malaki sa postharvest facilities upang mapahusay ang pagbawi ng produkto at mapababa ang presyo ng bigas at mais.

Kakailanganin umano ng gobyerno ng P93 bilyon para makapagtayo ng postharvest facilities sa susunod na tatlong taon para makatipid sa pag-aaksaya ng bigas at mais.

Aniya, nawawalan ang bansa ng 12.7 to 15 percent ng rice production dahil sa kakulangan sa postharvest facility.

Sinabi ng hepe ng DA na malapit nang tumaas ang postharvest facility sa Dingras, Ilocos Norte, na maaaring mag-imbak ng 120 metric tons (MT).

Dagdag dito, plano ng DA na magtayo ng mga katulad na pasilidad sa Concepcion, Tarlac; Dumangas, Iloilo; at Musuan Maramag, Bukidnon.

Ang hakbang sa paggamit ng makabagong mga teknolohiya ay makakatulong sa bansa na makamit ang mas maganda at mas mataas na agricultural production ng mga magsasaka.