-- Advertisements --

Nangako ang Department of Agriculture na palalakasin ng kanilang ahensya ang produksyon ng gatas sa bansa .

Ito ay sa pakikipagtulungan ng kanilang departamento sa National Dairy Administration Administrator na pinamumunuan ni Administrator Dr. Gabriel Lagamayo .

Ayon kay Lagamayo, target nilang paabutin ng 80 milyong litro ang produksyon ng gatas pagsapit ng 2028.

Ito ay nangangahulugan ng 2.5 na mas mataas sa milk output sa Pilipinas sa susunod na limang taon.

Patataasin rin nila ang ang bilang ng mga hayop na nasa milking line.

Palalakasin rin ng ahensya ang dairy productivity, palalawakin ang networks at magtatayo ng mga additional dairy-related infrastructure.

Kaugnay nito ay malugod namang tinanggap ni Agricultre Sec. Francisco Tiu Laurel Jr ang panukalang ito ni National Dairy Administration Administrator Dr. Gabriel Lagamayo.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority at National Dairy Administration, aabot na sa 17,850 metric tons ang naging cattle production noong 2023.

Ito ay nagbunga ng 0.8% of total milk consumption ng 1.937 million metric tons .