-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) ang pansamantalang pagbawal sa pagpasok ng mga inaangkat na domestic at wild na mga manok mula sa Maryland at Missouri sa U.S.

Ang hakbang ay bahagi ng ng pagsisikap na pigilan ang pagkalat ng H5N1 highly pathogenic avian influenza (HPAI) na kamakailan lang napaulat na mabilis na kumakalat sa Estados Unidos.

Kasama sa ipagbabawal ay ang mga produkto ng Karne, itlog, mga sisiw at semen ng hayop mula sa nasabing state sa U.S.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang mabilis na pagdami ng kaso aniya ng bird flu sa U.S. ay mula nang unang masuri ito at kinailangan bigyang pansin agad ng gobyerno nang sagayon mapigilan ang malawakang ahawaan dito sa Pilipinas.

Dagdag pa ng ahensya na ang unang outbreak ay nadiskubre sa Maryland noong Enero 14, at kumalat sa Missouri kung saan 13.2 million ang mga apektadong ibong kumpirmadong nahawaan ng naturang virus.

Sa pagtataya hnaggang ngayon nasa 145 million mga manok ang pinatay sa U.S. upang mapigilan ang pagkalat ng Virus sa mga hayop at tao.

Sa ilalim ng memorandum order no. 7, layong protektahan ang mga populasyon ng mga manok sa Pilipinas laban sa HPAI. Pinipigilan din na memorandum na ito ang pagpapalabas ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa mga produkto ng manok mula sa Maryland at Missouri.

Gayunpaman, para sa mga kargamentong nasa biyaheng papasok o tinanggap na sa mga pantalan ay papayagang pumasok, basta’t ang mga produkto ng manok ay masusing pinatay o sa hindi bababa sa 14-araw bago iniulat nang naturang outbreak.

Noong nakaraan lingo ipinatupad din ng DA ang pagbabawal sa pag-import ng mga produkto sa sa South Dakota, U.S.A, at ilang rehiyon sa New Zealand dahil sa magkakahiwalay na mga outbreak ng avian influenza.

Samantala nitong Pebrero 7 ‘walang naitalang kaso ng highly pathogenic avian influenza sa bansa, ayon sa Bureau of Animal Industry.