-- Advertisements --
Nagpatupad ng temporaryong pagbabawal ng pag-angkat ng mga wild at domestic na uri ng mga ibon mula sa Belgium dahil umano sa outbreak ng bird flu.
Sa inilabas na memorandum ni Agricultural Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na ang hakbang ay para protektahan ang local poultry industry ng bansa.
Bukod sa nasabing mga ibon ay bawal din ang ilang mga avian products gaya ng poultry meat, day-old chicks, itlog at semens.
Agaran din ipinag-utos ng kalihim ang pagkansela ng processing at evaluation ng applicationng sanitary at phytosanitary import clearances ng nasabing mga agricultural goods.
Maaring makapasok lamang ang mga shipments mula sa Belgium kung ito ay nakatay bago ang Pebrero 3 noong hindi pa nagkaroon ng outbreak ng bird flu.