-- Advertisements --

Patuloy ngayon ang ikinakasang imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) patungkol sa hindi umano’y mga magsasakang nagpakamatay dahil umano sa mababang presyo ng pagbili ng kanilang mga palay.

Pagkukumpirma ni DA Assistant Secretary for Special Concerns and Official Development Assistance at Spokesperon Engr. Arnel De Mesa, totoo at kumpirmadong may namatay ngunit binigyang diin niya na hindi ito tungkol sa pagbili sa mababang presyo ng palay.

Aniya ang mga kumakalat ng spekulasyon tungkol sa pagkamatay ng mga magsasakang ito ay hindi tama at dapat na linawin na.

Hiling din ng departamento na hayaan na muna na magluksa ang mga pamilya ng magsasaka at hayaan na din na gumulong ang imbestigasyon na pinaubaya na ng depadtamento sa National Bureau of Investigation (NBI).

Samantala pagtitiyak naman ng tagapagsalita ginagawa naman nila ang kanilang makakaya para matulungan ang mga lokal na magsasaka para maproteksyunan ang mga ito at maging ang kanilang hanapbuhay.

Aniya, napipigilan lamang sila ng mga polisiya at mga unexpected circumstances kaya nagkakaroon kamang ng mga delays.

Sa ngayon patuloy naman sa pagsunod ng kanilang mandato ang departamento at siniguro na hindi nagpapabaya ang kanilang ahensya para matulungan ang mga lokal na magsasaka lalo na sa pagbili ng palay mula sa mga ito.