-- Advertisements --

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture na nananatili ang kanilang commitment na mapababa ang presyo ng bigas sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sinabi nito na sa ngayon ay hindi pa posible ang ₱20 per kilo na bigas.

Aniya, sa kabila nito ay patuloy ang kanilang pagsisikap na kahit papaano ay maging abot kaya ito sa mga mamimili.

Sinisikap aniya ng kanilang ahensya na gawin itong higit ₱30 sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Malaki rin aniya ang maitutulong ng pagbaba ng presyo nito sa world market.

Patuloy naman ang pagpapatupad ng gobyerno ng mga kinakailangang interbensyon katulad ng pagpataw ng mababang taripa sa inangkat na bigas.

Nagdeklara na rin ang ahensya ng food security emergency sa bigas upang makapagbenta ang National Food Authority ng NFA rice .