Patuloy pa rin ang ginagawang beripikasyon ng Department of Agriculture hinggil sa milyon-milyong halaga ng nawawalang coffee seedlings.
Ayon sa ahensya, nakarating na ang ulat sa kaalaman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ang naturang ulat ay nagmula mismo sa idinulog na concern ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc.
Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, sa ngayon ay wala pang utos sir Sec. Laurel na imbestigahan ang naturang isyu.
Sa kabila nito ay ipinabubusisi ng kalihim ang mga dokumento sa ipinatutupad na programa sa kape ng Bureau of Plant Industry
Importante rin aniya na agad na matugunan ang nasabing isyu.
Tiniyak rin ng ahensya na nakahanda sila sa pagsasagawa ng mas malakawak na pagsusuri kung kinakailangan.