Patuloy na inaalam at pinagaaralan ng Department of Agriculture (DA) ang mga maaaring rason bakit nananatiling mataas ang presyo ng mga produktong baboy sa mga pamilihan.
Sa naging pagiikot kasi ng departmentamento kasama ang ilang opisyal nito at ilang opisyal din mula sa Department of Trade and Industry (DTI), nakita ng kalihim na mayroong problema sa presyuhan ng mga karneng baboy kung saan nananatili sa ₱420/kilo ang bentahan nito.
Sa naging pagtatanong ng Bombo Radyo sa kalihim, ngayong araw niya aniya matatanggap ang mga datos na nakalap ng kanilang ahensya tungkol sa halos ₱100 na laki ng presyo sa mga naturang produkto. Ngunit paliwanag niya, may mga reports din na natanggap ang kaniyang opisina na nasa mga retailers umano ang maaaring problema.
Sa kabilang banda naman, isang tindera ang nagpumilit na kausapin ang kalihim upang iparating na ilan sa mga dahilan kung bakit naglalaro ang presyuhan ng baboy sa ganitong presyo. Ilan aniya sa mga rason batay sa paliwanag ng tindera ay ang mga middle man at ang farm gate prices ng kanilang pinagkukunang produkto.
Dahil naman sa mga dahilan na ito, kailangang maging mapanuring mabuti ang ahensya upang manatili itong patas para sa iba pang sektor ng pork industry.
Samantala, inaasahan naman namakakapaglabas ng desisyon ang departamento sa pagtatalaga ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga presyo ng karneng baboy sa merkado ay sa buwan ng Marso. Ito ay depende pa rin kung komportable na ang kanilang ahensya sa mga datos upang hindi magkamali at walang maapektuhang sektor sa kanilang ilalabas na desisyon.