Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Agriculture na patuloy nilang tinatrabaho ngayon ang pagpapababa sa presyo ng bigas sa bansa.
Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., target nilang maabot ang murang bigas sa mga merkado sa buong bansa sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan, aabot sa P40 per kilo ng well-milled rice ang bentahan ngayon sa mga pamilihan.
Paliwanag ng kalihim na nais nila itong mapababa pa mula sa kasakuyang presyo nito.
Sa ganitong paraan ay magiging abot kaya na sa mga Pilipino ang bigas.
Upang maisakatuparan ito, sinabi ng kalihim na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para lumawak pa ang mga Kadiwa ng Pangulo kiosk sa mga public market sa bansa.
Nakikipag pulong rin sila sa mga local executive para dumami pa ang bilang ng mga may-ari ng mga market na maglagay ng mga kiosks sa kanilang market.