Pinaalalahanan ng Department of Agriculture(DA) ang mga mangingisda at mga magsasaka ukol sa posibleng epekto ng bagyong Kristine.
Payo ng DA sa mga magsasaka, anihin na ang mga pananim na maaaring anihin bago pa man ang malalakas na pag-ulan at bugso ng hangin; ihanda ang mga post harvest facilities, at iba pang maaaring mapag-imbakan sa mga aanihing pananim.
Pinayuhan din ng DA ang mga magsasaka na ilagay sa ligtas na lugar ang mga planting materials, kagamitan, farm machineres, at mga farm tools, at huwag hayaang maabot ng tubig-ulan.
Pinapatutukan din ng ahenisya ang kalusugan at kalagayan ng mga hayop, kasama na ang paglalaan ng sapat na pagkain at inumin para sa kanila.
Ayon pa sa DA, kailangan ding linisin ng mga magsasaka ang mga irrigation canal upang maayos ang pagdaloy ng tubig at maiwasang mabaha ang mga taniman.
Sa kabila nito, pinapatiyak naman ng ahenisya ang kaligtasan ng mga magsasaka at mga mangingisda mula sa epekto ng bagyo.