-- Advertisements --
image 305

Pinag-aaralan at tinitingnan ng Department of Agriculture ang hybrid seeds na itatanim sa mahigit 1.5 milyong ektarya ng lupain sa Pilipinas

Ito ay kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gumamit ng hybrid rice kaysa inbred rice para sa pagtaas ng produksyon ng pananim.

Ayon sa pahayag ni Agriculture Assistant Secretary for Operations Arnel De Mesa, isusulong ng Department of Agriculture ang pagtatanim ng hybrid seeds sa 1.5 milyong ektarya ng palayan sa panahon ng tag-araw.

Ang Western Visayas, Eastern Visayas, South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City o Soccsksargen, gayundin ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay kabilang sa mga target na probinsya ng departamento para sa produksyon.

Ayon sa Department of Agriculture, batay sa pinagsamang pag-aaral ng departamento at mga local government units, ang hybrid system ay nakagawa ng 41% na mas mataas na ani kaysa sa inbred conventional seeds sa nakalipas na dalawang taon.

Liban nito, P30 bilyon ang inilaan para sa hybrid at inbred seeds, production machinery, irrigation at training activities sa ilalim ng National Rice Program ng ating bansa.