-- Advertisements --
Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng Department of Agriculture ang posibilidad ng muling pag-aangkat ng puting sibuyas.
Ito ay kasabay ng rekomendasyon ng Bureau of Plant Industry(BPI) dahil sa pangambang kakapusan ng puting sibuyas at hindi na kayang tugunan ang konsumo sa bansa.
Katwiran ng DA, ang pag-aangkat ay para lamang tiyaking may sapat na stock ng puting sibuyas at hindi magkakaroon ng kakulangan sa mga merkado, kapwa para sa household at industry consumption.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng DA na sa kasalukuyan ay nananatiling sapat ang supply ng sibuyas sa mga merkado sa buong bansa.