Pinahusay ng Department of Agriculture o DA ang market linkage initiative nito para tulungan ang mga farmers’ cooperatives and associations (FCAs) sa buong bansa.
Alinsunod sa pananaw sa pagtaas ng kita ng mga magsasaka at mangingisda, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na direktang iugnay ang mga prodyuser ng pagkain sa mga mamimili ng produktong pang-agrikultura.
Sa ilalim ng inisyatiba, sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), humigit-kumulang P2.589 milyong halaga ng sibuyas ang naibenta ng mga farmers’ cooperatives and associations sa mga institutional buyer mula September 2022 hanggang January 24, 2023.
Dagdag dito, ito ay binubuo ng 3,478 kilo ng pulang sibuyas nagkakahalaga ng P755,455 at mahigit sa 5,000 kilo ng puting sibuyas na nagkakahalaga naman ng P1.833 milyon.
Una na rito, ang mga trak at ibang sasakyan ng Kadiwa na ginawaran ng naturang departamento ay tumulong din sa mga farmers’ cooperatives and associations sa kanilang paghakot at paghahatid sa mga pamilihan at malalaking mamimili ng kanilang produktong sinasaka.