-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan na ng Department of Agriculture sa National Bureau of Investigation ang insidente ng umano’y pagpapatiwakal ng tatlong magsasaka dahil sa mababang presyo ng palay.

Ang naturang insidente ay kumalat online at nabatid na naganap ito sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., naaalarma ito sa naging interpretasyon ng ilang grupo.

Ayon sa kalihim, ito ay taliwas sa resulta ng inisyal na imbestigasyon ng awtoridad at ng kanilang ahensya.

Tiniyak naman ng ahensya na mabibigyan ang pamilya ng mga nasawing indibidwal ng karampatang tulong.

Binigyang diin ni Laurel na walang patid ang gobyerno sa mga hakbag ito na pumoprotekta sa karapatan at kabuhayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.