-- Advertisements --
Hinimok ng Department of Agriculture ang Local Government Units (LGUs) na paglaanan ng mas malaking pondo ang agricultural projects para maabot ang food security ng bansa at mapabilis ang pagbangon mula epekto ng pandemya sa sektor ng pagsasaka.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, mas mabuting mag invest ang LGU’s sa crop at palay production, mais, livestocks at fishery.
Kasabay nito, ipinabatid ni Reyes na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng (DA) ng P3K fuel vouchers sa mahigit 1,060 magsasaka at mangingisda sa buong bansa.
Tiniyak naman ng DA na bukas sila sa mga imbestigasyon para sa isyu ng transparency sa lahat ng pondong idinadaan sa kanilang tanggapan.
Top