-- Advertisements --

Pinalawig ng DA ang pagpapalabas sanitary and phytosanitary import clearance (SPSIC) para sa importasyon ng galunggong at iba pang isda hanggang Disyembre 10.

Ito ay dahil 14,637 metriko tonelada lamang ng 35,000 MT authorized volume ang dumating sa bansa.

Naglabas si Laurel ng Special Order 1451 na nagbibigay sa mga importer ng walong araw na maghain ng sanitary and phytosanitary import clearance para makapag-avail ng Certificate of Necessity to Import sa pag-aangkat ng 35,000 metric tons ng frozen round scad, big-eye scad, mackerel, bonito at moonfish.

Nauna nang sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) spokesman Nazario Briguera na hindi bababa sa 14,637 MT ng imported na isda ang dumating sa bansa sa gitna ng closed fishing season.

Pinahintulutan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng hindi bababa sa 35,000 MT ng isda upang maiwasan ang kakulangan sa supply sa panahon ng pagbabawal sa pangingisda sa Visayan Sea at Zamboanga Peninsula.

Matatandaan na ang closed foshing season ay nagmula noong Nobyembre 15 at magtatagal hanggang Pebrero 15, 2024.

Mas mataas ng 29 porsiyento ang volume ng importasyon ng isda ngayong taon kumpara sa 25,000 MT na pinahintulutan ng DA noong 2022 sa gitna ng inaasahang pagbaba ng produksyon ng pangisdaan ngayong taon.