Pinapabantayan ng Department of Agriculture(DA) sa mga hog raiser ang pagkalat ng African Swine Fever(ASF) ngayong sunod-sunod ang mga pag-ulan.
Ayon kay Dr. Conastante Palabrica, Assistant Secretary for Swine and Poultry ng DA, mabilis ang pagkalat ng ASF sa panahon ng tag-ulan, batay na rin sa record ng ahensiya sa mga nakalipas na taon mula noong unang nadetect ang virus sa Pilipinas.
Ayon sa opisyal, kalimitang nagsisimulang umangat o lumubo ang kaso ng ASF sa tuwing Agusto hanggang Setyembre kung kailan walang-tigil ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Taliwas naman ito kapag sumasapit ang tag-araw kung saan bumababa ang kaso.
Paliwanag ni Palabrica, naikakalat ang virus sa mga baboy kapag tag-ulan at panahon ng pagbaha, kaya’t madaling naaabot ang mga kulungan ng mga ito.