-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Department of Agriculture Secretary William Dar ang ilang mga Local Government Unit (LGU) sa pagtugon nila sa panawagan niya na bumili sa mga local farmers para ipamigay bilang relief goods ngayon coronavirus pandemic.
Sinabi nito na umabot sa 245 LGU ang tumugon sa naunang pahayag na bumili sa mga local farmer ng mga prutas, bigas at mga gulay.
Dagdag pa ng kalihim na mahalaga ang ginawa ng mga LGU dahil sa nakakatulong ang mga ito sa mga local farmers.
Bilang kapalit ay binigyan ng kalihim ang mga magsasaka ng mga seeds, fertilizers at training.