-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang pangamba ng mga consumers sa posibilidad na pagtaas ng presyo ng sibuyas.

Ayon sa DA na hindi na maitutulad ang nangyari noong nakaraang taon sa biglaang pagtaas ng presyo ng pulang sibuyas dahil nagsimula na ang panahon ng pag-aani ng mga sibuyas.

Dahil dito ay mapapalitan na ang mga stocks na mga lumang sibuyas.

Paliwanag pa ni DA Assistant Secretary and spokesman Arnel de Mesa na binabawasan ang mga mga naka-stock sa cold storage na mga sibuyas dahil hindi ito puwedeng magtagal at baka ito ay masira.

Sa ulat naman ng Bureau of Plant Industry (BPI) na na mayroon pang stock na pulang sibuyas ang bansa na 8,500 metric tonelada habang ang dilaw na sibuyas ay mayroon pang 1,628 metric tons.