-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi magkukulang ang suplay ng karneng baboy sa bansa dahil sa banta ng African Swine Fever.
Ayon sa DA na agad nilang naagapan ang pagkalat nito dahil sa pinaigting ng pagbabantay para hindi ito makapasok sa mga lugar.
Mahigpit din aniya ang kanilang ugnayan sa mga Local government unit para matiyak na hindi na makakapasok ang ASF sa kanilang lugar.
Nananatili din aniyang sapat din ang suplay ng mga karne ng baboy sa mga local hog farmers kaya hindi pa aniya dapat mabahala.