-- Advertisements --
Pinawi ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na pagtaas ng presyo ng bigas matapos ang bagyong Carina.
Sinabi ni Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, na walang mga warehouse ng bigas ang inabot ng pagbaha o napinsala dahil sa bagyo.
Nananatiling mayroong sapat na suplay pa ng bigas sa bansa kaya walang dapat na ikabahala na magkukulang ng suplay.
Aminado na ito na magkakaroon ng pagtaas ng presyo ng itlog dahil sa taas ng demand nito ngayong pasukan ganun din ang gulay kung saan maraming mga lugar kung saan ito nagmumula ay nasalanta ng bagyo.