Umabot na sa P5.7 billion ang pinsalang iniwan ng El Niño phenomenon sa tanim na bigas at mais sa bansa.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Ariel Cayanan, higit pa ito sa initial forecast nilang P1.7 billion.
May mga ulat din aniya na ang pinsala ng El Niño phenomenon ay aabot umano sa P7.4 billion, pero ang na-validate lamang ng ahensya ay P5.7 billion.
Gayunman, tiniyak ni Cayanan na hindi magreresulta sa shortage ng supply ng bigas at mais ang pinsala ng tag-init.
Samantala, nakapagtala na rin ng fish kill incidents bunsod ng matinding init at overuse na rin ng mga fishpen sa Pangasinan.
Binigyan diin ni Cayanan na hindi pangunahing solusyon sa El Niño ang cloudseeding dahil didipende pa rin daw ito sa presensya ng “substantial” coulds na maaring magpaulan.
Sa halip ay hinihimok ng DA ang mga magsasaka na magtanim ng mga uri ng pananim na maaring mag-survive sa tag-tuyot.
Nakahanda na rin naman aniya loan at insurance para sa mga magsasakang apektado ng matinding init.