-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang pagbabawas ng size ng culling zone.

Mula kasi sa dating one kilometer ang layo mula sa mga piggery na apektado ng African swine fever (ASF) ay gagawin na lamang itong kalahating kilometro.

Ito ay sa kadahilanan na posibleng magkulang ang suplay ng karne ng baboy dahil maging ang mga walang sakit na ASF ay nadadamay.

Ayon naman kay DA Secretary William Dar na umaasa na ito na pag-aralan ng mga local government unit ang kaniyang panukala.

Inihalimbawa nito ang naganap na culling operation noong Enero 12, 2020 na sa kabuuang 178,159 na baboy na napatay ay 29,709 dito ay may sakit.