Plano ngayon ng Department of Agriculture (DA) na ibalik sa National Food Authority (NFA) ang kapangyarihan na pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.
Sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na ito ang kaniyang nakikitang paraan para tuluyang bumaba ang presyo ng bigas.
Binawi lamang kasi ang kapangyarihan na ito mula sa NFA noong mapirmahan na at maisabatas na ang Rice Tariffication Law (RTL).
Dagdag pa nito na kung ito ay maibabalik ay magiging epektibo ang DA sa paglaban sa mga pang-aabuso ng mga rice traders at maiimpluwensiyahan ang presyo ng bigas.
Ang Ricte Tariffication law ay ipinasa noong 2019 sa panahon ni dating Pangulong Rodrig Duterte para mabawasan ang madato ng NFA sa pag-emergency buffer stocking ng bigas na galing sa mga local na magsasaka.