-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Agriculture ang plano nitong pag-angkat ng karagdagang suplay ng isda para sa buwan ng Disyembre.

Sa isang pahayag, sinabi ni DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa na sa ngayon ay pinag-aaralan nila ang pag-import ng 8,000 MT ng isda.

Ayon kay De Mesa, malaki kasi ang naging epekto ng bagyo sa sektor ng pangisdaan sa bansa.

Batay sa datos ng DA, pumalo sa halos isang bilyon ang pinsala ng bagyo sa natukoy na sektor.

Ang planong pag-angkat ay makatutulong aniya para mamintine ang presyo ng isda sa mga merkado.

Partikular na ang mga isdang galunggong, mackerel, bonito at iba pang pelagic fishes na target na makarating sa bansa pagdating ng Disyembre.