-- Advertisements --

Plano ngayon ng Department of Agriculture (DA) na makakuha ng suplay ng bigas mula sa mga bansang India at Pakistan.

Sinabi Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr, na layon ng nasabing pakikipag-usap ay para mapunan ang import requirerments ng bansa at magkaroon ng competitive market.

Nakausap na niya ang mga ambassador ng Pakistan at India kung saan tiniyak nila ang pag-suplay ng dalawang milyon metric tons ng bigas na siyang kinakailangan ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan kasi ay ang Vietnam ang pangunahing nagsusuplay ng bigas sa bansa kung saan 75 percent sa mga ito ay galing sa kanila.