-- Advertisements --
Planong makipagpulong ang Department of Agriculture (DA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Ito ay para matiyak ang pagkakaroon ng magandang pagdaan ng mga agricultural products.
Ayon sa DA na kapag maganda ang daanan at walang anumang aberya sa kalsada ay hindi makakaapekto ito sa presyo rin ng mga agricultural products.
Ang nasabing pulong ay para matukoy ang mga lugar kung saan mayroong ginagawang daan para hindi agad masira ang mga produkto at makarating ito ng mabilis sa mga palengke.
Magugunitang ilan sa mga reklamo ng mga negosyonte kaya tumataas ang presyo ng mga agricultural products ay dahil sa mga sira-sirang daan na nagreresulta sa pag-ikot ng kanilang mga delivery trucks.