Tinatarget ngayon ng Department of Agriculture na i-develop pa ang iba pang bahagi ng West Philippine Sea.
Bahagi ito ng pagsusumikap ng naturang kagawaran na mas paigtingin pa ang fish production ng bansa na layuning mabawasan pa ang pag depende ng Pilipinas sa importasyon ng mga supply ng isda sa bansa.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for policy, planning and regulations Asis Perez, may mga lugar sa West Philippine Sea ang hindi pa naaabot at nae-explore ang mga resources nito.
Aniya, ang iba pang mga lugar sa WPS ay mas di hamak na mas mapayapa kumpara sa mga bahagi ng naturang pinag-aagawang teritoryo kung saan patuloy na nanghaharras ang mga barko ng China.
Samantala, bukod dito ay ipinunto rin ng opisyal na panahon na para hikayatin din ang iba pang mga commercial fishers na mag-operate sa WPS ngunit kaugnay nito ay kinakailangang pagkalooban ng gobyerno ang mga itong kaukulang incentives.