Plano ng Department of Agriculture na palawakin pa ang pagbabakuna sa mga baboy kontra sa African Swine Fever(ASF).
Nais ng ahensyang magsagawa rin ng controlled vaccination sa iba pang lugar sa Luzon at iba pang mga red zone sa Visayas at Mindanao.
Sa ilalim ng inisyal na plano, nais nitong isama ang La Union, Quezon, Mindoro, North Cotabato, Sultan Kudarat, at Cebu, kung saan ang mga bakunang ituturok ay planong kunin sa 150,000 dose ng anti-ASF vaccine na bibilhin ng pamahalaan.
Unang nagsagawa ang DA ng unang round ng vaccination sa ilang mga babuyan sa Lobo, Batangas, ang tinukoy na ground zero sa resurgence ng ASF sa bansa.
Samantala, nais ng DA na magpapatuloy na libre ang mga ibibigay na bakuna upang masuportahan ang mga hog raiser sa kanilang pagbangon mula sa epekto ng ASF na ilang taon nang nakaka-apekto sa mga babuyan.