-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Agriculture na simulan na ang pag-implementa ng P5-bilyon na buffer fund sa susunod na taon.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon nito na maibenta ang mga stocks ng mga basic commodities gaya ng mga bigas at karnet sa mas murang halaga tuwing may kakulangan ng suplay at pagmamanipula ng mga presyo sa merkado.
Aprubado umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nasabing pagpondo at kanilang natukoy kung saan ito kukunin.
Dagdag pa nito na hindi pa nito maaring talakayin kung saan kukunin ang pondo dahil maraming options pa silang tinatalakay.