-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Agriculture (DA) na utay-utayin ang pagtaas ng taripa sa mga imported na bigas.
Kasunod ito sa patuloy na pagbagsak ng presyo nito sa international market.
Dahil kasi sa Executive Order 62 na naging epektibo noong Hulyo 2024 ay naging 15 percent na lamang mula sa dating 35 percent ang hakbang ng gobyerno para mapababa ang presyo ng bigas sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na kailangan ang pakonti-konting pagtaas dahil mapanganib kung agaran itong maibalik sa 35 percent.