-- Advertisements --

Posibleng magtakda na rin ang Department of Agriculture (DA) ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga presyo ng produktong baboy sa mga pangunahing pamilihan kung patuloy na tataas ang presyo ng mga ito.

Ito ay matapos magsagawa ng inspeksyon sa mga palengke ang mga opisyal ng departamento kung saan nakita nila ang tumataas na gap sa pagitan ng farm gate prices at retail prices.

Ang bentahan kasi ng mga livestock ng baboy ay nasa pagitan ng P220-P240/kilo habang ang retail prices naman ay nasa taas na P380-P420/kilo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ang pagtatakda ng MSRP sa mga naturang produkto ay para maiwasan ang profiteering o overpricing sa mga pamilihan.

Dagdag pa ni Laurel, magtatakda lamang ang kanilang departamento ng MSRP kapag nakikitaan pa rin ito ng pangangailangan at hindi ordinaryong mga margins ng mga retailers ay mataas ang posibilidad ng pagaanunsyo nito.

Sa kabilang banda naman, nakikitang dahilan naman ng mga retailers ang naging mga kaso ng African Swine Fever (ASF) sa bansa sa nagpapatuloy na pagtaas ng presyo sa mga naturang produkto.

Agad naman na kinontra ni Laurel na ang patuloy na pagsiklab ng ASF ay dahilan para sa pagsipa ng presyo ng mga produktong baboy sa merkado. Ayon sa kalihim, patuloy ang kanilang mga isinasagawang mga efforts para sa epektibong mga pagbabakuna sa mga apekatado pang lugar klaya hindi dapat mabahala ang publiko.

Kasalukuyan namang mas mababa na ang bilang ng mga apektadong lugar ng ASF kumpara noong nakaraang taon. Mula sa 200 na mga apektadong mga barangay ay nasa 133 na lamang ito batay sa naging datos ng latest update ng ahensya.

Samantala, kaugnay nito ay plano naman ng ahensya na irekomenda ang pag-apruba ng isang bakuna sa ASF mula sa Vietnam para sa komersyal na paggamit nito ngayong taon para tuluyan nang matigil ang mga isyu sa ASF at maging sa bird flu.