LA UNION – Naghahanda na ang Department of Agriculture (DA) Region 1 para sa ipapamahaging ayuda sa mga magsasaka sa Ilocos Region na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.
Base sa impormasyon ng Bombo Radyo La Union mula kay DA Regional Communications Officer Vida Cacal, abala sila ngayon sa ginagawang damage assessment at validation sa mga isinumiteng damage report sa kanilang opisina.
Sinabi ni Cacal na layunin nilang ipamahagi ang ayuda sa pinakamadaling panahon para na rin matulungan na makabangon ang mga naapektuhan na magsasaka.
Kabilang sa ipapamahaging ayuda ay mga hybrid seeds na palay, mais at mga gulay.
Base sa pinakahuling datus ng DA Region 1, halos 3,327 ektarya na palayan; 3,162 na ektarya ng maisan; at 579 ektarya na taniman ng gulay, ang sinira ng mga nagdaang bagyo malaiban pa sa fisheries at livestocks.
Nagkakahalaga naman ng mahigit sa P209.4-M ang partially at totally damaged sa agrukultura sa buong rehiyon.
Higit na naapektuhanang mga magsasaka sa Ilocos Norte at Pangasinan.