-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA region 2 na patuloy ang ginagawa nilang solusyon para maibsan ang nararanasang over supply ng pinya sa mga bayan ng Echague, Sasn Guiller mo sa Isabela at Gonzaga naman sa bahagi ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maria Rosario Paccarangan, Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA region 2, sinabi niya na patuloy silang tumutulong sa mga magsasaka upang makapag hanap ng mga buyer.

Sa katunayan aniya ay natulungan nila ang Amballo Pineapple Growers Association na makapagbenta ng 15,181 kilogams ng pinya sa Agrinurture Incorporated na nakahimpil sa Bulacan.

Nakapag-deliver din ng mga produktong pinya ang Caviteño-Isabelino Agriculture Cooperative ng Echague Isabela ng halos 6,000 kilograms ng Pinya sa nabangit na kompanya noong buwan ng Mayo at Hunyo, 1,500 kilo grams ang naibenta ng Gonzaga Pineapple Growers Association .

Sa kabuuan ay umabot sa higit tatlumpu’t dalawang libong kilo ng pinya ang naibenta ng tatlong cooperatiba.

Iginiit ni Agribusiness and Marketing Assistance Division Paccarangan na madalas na nagkakaron ng oversupply tuwing buwan ng Hunyo at Hulyo na sanhi ng pagbaba ng presyo.

Sa ngayon ang presyo ng pinya na maganda ang kalidad ay 70 pesos bawat kilo.

Gayunman mas mababa na rito ang presyong ibinibigay ng mga pineapple farmers.

Makipagpulong ang DA region 2 kasama ang mga Municipal Agriculture Officer ng mga bayang apektado ng napakaraming tustos ng pinya upang matalakay ang mga nararapat nilang hakbang para tugunan ang naturang usapin.