-- Advertisements --

Sinusubaybayan ng pamunuan ang Department of Agriculture Region-9 ang lahat ng mga proyekto at mga napiling asosasyon beneficiaries sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development program.

Ang naturang programa ay ipinatupad sa iba’t ibang lugar Zamboanga Peninsula ayon sa ahensya.

Personal na nagtungo ang mga tauhan ng SAAD program sa bayan ng Sibutad sa lalawigan ng Zamboanga del Norte para suriin ang kanilang proyekto.

Sa naging pahayag nito ay kanilang kinilala ang halaga ng mga buyer ng mga produkto ng sa gayon ay makamit ang layunin ng programa.

Nakapaloob sa programa ang ibat-ibang unit kabilang na dito Social Preparation and Program Management, Food Production and Livelihood , Marketing Assistance and Enterprise Development, at maging ang Information Technology and Database Development.