-- Advertisements --
SEC WILLIAM DAR
AGRICULTURE SEC. WILLIAM DAR

LAOAG CITY – Nakatakdang babalik dito sa Ilocos Norte si Agriculture Secretary William Dar para pulungin ang mga magsasaka sa lalawigan sa araw ng biyernes.

Ayon kay Doctor Wilma Ibea, center chief ng Department of Agriculture-Ilocos Norte Researce and Experimental Center, isasagawa ang pagpupulong sa covered court ng Mariano Marcos State University (MMSU) sa lungsod ng Batac.

Anya, hangad ni Sec Dar na malaman kung ano ang mga problema ng mga magsasaka sa lalawigan matapos ang pananalasa ng bagyong Ineng at Jenny.

Maliban dito, sinabi pa ni Ibea na may mga equipments pang ipamahagi ng nasabing opisyal na makakatulong sa mga magsasaka sa lalawigan.

Kasama ni Sec Dar na makikipagpulong sa mga magsasaka dito sa Ilocos Norte ang mga opisyal ng Department of Agriculture sa national at regional office.