Ipinanawagan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr ang tuluyan nang pagbabago sa charter ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA).
Ito ay upang mapalawak pa ang trabaho, tungkulin, at ang papel nito sa pagpapabuti ng sektor ng pangingisda sa buong bansa.
Ayon sa kalihim, kailangang palawakin pa ng PFDA ang paglinang sa marine-agro-industrial resources ng Pilipinas.
Ayon kay Laurel Jr., kailangang matutukan ng PFDA ang paglago ng marine-agro-industrial sector ng bansa at gawin bilang one-stop shop kung saan maaari aniyang pagsama-samahin ang mga pwerto, bodega, cold storage facilities, atbpa, na maaaring mapakinabangan ng mga mangingisda at magsasaka.
Sa kasalukuyan kasi ay nalilimitahan lamang aniya ang naturang ahensiya pagtutok sa naturang sektor ng pangisdaan dahil sa mas limitadong charter.