Inalmahan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang patuloy na bentahan ng imported na bigas na umaabot sa P60/kilo.
Ayon sa kalihim, nangangahulugan pa rin ito na mayroong profiteering na nangyayari.
Aniya, ang mataas na presyo ng bigas sa merkado ay nagdudulot ng unsustainable capacity para sa mga consumer na makabili ng abot kayang bigas.
Isinasabutahe rin nito ang mga ginagawang pagsisikap ng gobyerno na patatagin ang merkado ng bigas sa bansa.
Bukod dito ay apektado rin ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.
Kaugnay nito ay nakipagpulong na ang DA sa iba pang mga ahensya ng gobyerno para bumuo ng maximum retail price para sa mga imported ma bigas.
Kabilang sa pagpupulong ay ang ilang mga representative ng mga retailer at rice importer sa bansa.