-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nilinaw ng Department of Agriculture na hindi totoo ang lumabas na report mula sa NEDA official na walang pondo para sa mga magsasaka.
Iginiit ni Agriculture Sec. Manny Piñol na bastante ang pondo para sa farmers kahit na pirmado na ang implementing rules and regulation (IRR) para sa Rice Tariffication Law sa bansa.
Dagdag pa ni Pinol ang bagong trabaho ngayon ng National Food Authority (NFA) ay ang buffer stocking na kung saan ang mga aning palay ng mga magsasaka sa bansa ang kanilang gagawing pondo o stock.
Bibilhin ng NFA sa halagang P20.70 bawat kilo ang palay ng mga magsasaka ay i-mentina ang murang bigas sa halagang P27 bawat kilo sa mga palengke.