-- Advertisements --

Nananatiling prioridad pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang sektor ng agrikultura.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, na malinaw sa State of the Nation Address ng Pangulo ang pagbibigay pansin niya sa agrikultura.

Naniniwala ito na ang mga naging nais na makita ng pangulo sa sektor ng agrikultura ay maisakatuparan.

Pagtitiyak din ng kalihim na kanilang aayusin ang anumang isyu na may kinalaman sa sektor ng agrikultura.

Magugunitang nagsilbing pansamantalang kalihim ng DA si Marcos habang wala pang napipiling uupo sa puwesto.