-- Advertisements --

Kumbensido ang pamunuan ng Department of Agriculture na mababawasan ang maximum suggested retail price para sa imported na bigas sa mga susunod na linggo.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa sandaling maging matatag ang presyo ng bigas sa World Market, maaaring bumaba pa ang presyo nito per kilo sa P50.

Nilinaw naman ng kalihim na hindi kasama sa MSRP ang Japanese Black Rice, Red Rice, Basmati rice, malagkit na bigas at mga local harvest na bigas.
Ayon kay Laurel, pinaplano nilang maibaba ang presyo nito sa P55.00 sa Pebrero 5 .

Susundan ito ng pagbaba ng presyo ng bigas sa Pebrero 15 na aabot na lamang sa P52.00 per kilo.

Kapag nanatili ang magandang pandaigdigang presyo, maaaring sa pagsisimula pa lamang ng buwan ng Marcos ay maibaba na ang maximum suggested retail price sa imported na bigas sa P49.00 per kilo.