-- Advertisements --

Sumagot sa mga naging pahayag ng mababang kapulungan tungkol sa pagtatalaga ng maximum suggested retailed price sa mga presyo ng bigas sa merkado si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sa naging pulong balitaan na ginanap sa main office ng Metropolitan Manila Development Authority ay ipinaliwanag ng kalihim kung bakit dito ang itinakda nilang MSRP sa mga presyo ng bigas.

Aniya, ₱58 ang pinaka-maximum dapat ng mga retailed price ng mga bigas ngunit hindi nangangahulugan na dito na titigil ang presyo ng mga imported rice sa merkado.

Dito lang aniya maguumpisa ang ceiling price parasa produkto at tsaka unti-unti ibababa ng ahensya para mas maging abot kaya para sa mga konsyumer.

Sa pagtatalaga kasi ng presyo, aniya dapat iniisip ang mga magsasaka, ang mga retailers na magkaroon din sila ng kita.

Ani Laurel, nito lamang nakaraang taon, talamak pa ang mga retailers na nagbebenta ng nasa ₱60 hanggang ₱64 na halaga ng bigas sa mga palengke sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila.

Intensyon lamang din aniya na alisin na ang mga ganitong klase ng presyo sa merkado at gawing mas abot kaya ang mga pangunahing bilihin lalo na ang bigas.

Kung titignan naman din, babagsak din ani Francisco sa ₱58 na halaga angmagiging MSRP dahil sa price margin na ₱8 ng mga sellers sa mga retailers.

Samantala, sa naging pagiikot naman kanina ng kalihim kasama ang iba pang opisyl ng ahsensya, napansin nila na wala na nga ang mga bigas na nasa halagang ₱60 pataas