-- Advertisements --

Siniguro ng Department of Agriculture na ang suhestiyon ng National Price Coordinating Council (NPCC) na magdeklara ng food emergency ay para lamang sa rice at hindi sa lahat ng basic commodities sa merkado.

Sa isang eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay DA Assistant Secretary for High Valued Crops, Sagip Saka and Intellectual Property Deputy Spokesperson Atty. Joycel Panlilio, tiniyak niya na ang food emergency ay para ma-release na ang mga stocks sa mga warehouses ng National Food Authority (NFA) at hindi naman maaapektuhan ang ilang mga common goods na binibili ng merkado sa mga pamilihan.

Aniya, meron namang kapangyarihan ang NPCC na maganunsyo ng food security emergency sa iba pang mga basic goods kung may makikitang iregularidad gaya ng illegal price manipulation o extraordinary increase sa mga presyo nito.

Samantala, patuloy naman na naghihintay ang panig ng DA para sa pagdating ng resolution tungkol sa deklarasyon ng food emergency for rice.

Kapag natanggap na ito ng kalihim ay pagaaralan pa muna itong muli ngunit gaya naging pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ay posible ang pagdedeklara nito bago matapos ang buwan ng Enero lalo kung nakikita pa ang pangangailangan sa deklarasyon nito.

Sa ngayon ay patuloy naman na inaasahan ang pagdedeklara ng food emergency for rice habang ngayong araw naman nakatakda na maguumpisa ang pagtatalaga ng maximum suggested retailed price (MSRP) ang ahensya sa mga presyo ng imported na bigas na siyang nasa ₱58.