Muling tiniyak ng Department of Agriculture na walang masasayang na agricultural commodities sa bansa.
Sa inilabas na pahayag ng naturang ahensya ay sinabi nito na kanilang pagtitibayin ang kampanya upang matiyak na walang masasayang na agricultural products.
Una rito, napabalita ang isang issue tungkol sa isang magsasaka sa Nueva Vizcaya na itinapon ang inaning kamatis na tinatayang aabot sa 500 kilos matapos umanong walang kumuhang buyer.
Pinaigting naman ng naturang kagawaran ang market linkages o ang pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka at merkado o sa mga direktang mapagbebentahan ng kanilang inaning produkto.
Kabilang na rito ang pagkakaroon ng contract farming sa mga hotel, restaurant, at iba pang institutional na buyers.
Ang programang ng Department of Agriculture ay alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na paghusayin ang government support packages na makatutulong upang umunlad ang buhay ng mga magsasaka at mga mangingisda sa ating bansa